What if the WORLD will really END next week, what will you do? Medyo familiar na Question kung napanood nyo na yung "24/7 In Love". Kung ako ang tatanungin, siguro magfa-flashback muna ko ng nangyari saken at kung anung mga blessings nakuha ko this year:
As far as I can recall, completion nalang ng thesis namen yung hinihintay ko para makagraduate. Luckily, di naman nagtagal at nakuha ko din ang inaasam na "0" Units Left sa Curriculum ko, parang katumbas na yun ng isang matamis na "OO" mula sa nililigawan mo. Eto na siguro yung FIRST blessing na natanggap ko this year; not only for me, but also for my family.
January din nung natanggap ako sa work ko ngayon. I was not really planning to apply, but my college friend referred me there. Funny thing was sya pa yung di tumuloy (adik lang... hehe...). So when the offer was there, I immediately grabbed it. This was considered as my other blessing.
After I graduated last February, direcho na sa work (siguro after 2 weeks). Kabado syempre first job eh. First time kong mapunta sa "Outside World" or sabi nga nila, "The Real World". Not sure what will happen; not sure what to expect. Good thing was it really went well. I met 14 strangers which suddenly became 14 new acquaintances. Kaya nga kahit sobrang hirap ng training, nandun parin yung fun side kasi I met new friends. Sa office nadin ako nag-spent ng Birthday ko nun, which was another blessing kasi God given me another year to live, grow and mature. Hulaan nyo nalang yung age ko, hehe...
It was a roller coaster ride during the training days; malungkot kasi may mga nawala samen after every part of the training, masaya kasi nakaabot ako hanggang dulo. At the end, 4 nalang kaming natira ng mga kasama ko. Pano ba yan, blessing na naman (namumuro na... hehe..). Pagka-deploy ko sa floor, I met my FAMILY in the office: TEAM CHARLIE. Dahil newbie, shy-mode pa ko nun. But along the way, nakilala ko yung members ng team, mas naging kumportable ako. Nawala yung takot or kaba ko kasi I know that I'm in good hands with the people I am right now. Along the way, na-Regular pa ko. BLESSINGS!
After a few months of knowing the team better, nakilala ko din yung ibang dating members ng team (tenured na kasi sila, in short, matanda na... hehe...). Dun ko nakilala yung taong di ko akalaing magiging malaking part ng buhay ko; itago nalang natin sya sa pangalang "MOO" (pustahan tayo nung binasa mo yun katunog talaga ng tunog ng cow... hehe...). At oo, yung picture sa kanan, kamukang-kamuka nya talaga yan, PRAMIS! Kaya di na kayo mahirapang mag-imagine kung anung ichura nya. Anyway, ilang beses ko syang nakasamang kumaen sa office, siguro kasi kasama din namen yung ibang Charlies. Pero nung tumagal, nagkaroon ng time na kaming dalawa nalang; lalo na pag bumibili kami ng "Taho". Nagkakachat nadin kami sa YM nun at nakatext din. Di ko makalimutan nung binilan ko sya ng Coin Purse galing Baguio (sweet ko noh? hehe...). Simula palang yun. The good thing was, I really met my CLOSEST friend sa office. BLESSING!
Siguro nga yung maganda nameng friendship yung naging simula nung mga susunod na events (wow meh ganong peg? hehe...). Inaamin ko nung umpisa, di talaga ako sure kung anu ba talaga. At first kasi, I had someone; She had someone. Pero nung tumagal, I realized, sya na nga ata yung hinihintay kong "ZING". Honestly, hindi naging madali ang lahat. Yung feeling ko that time yung same feeling ko nung thesis days namen. And just like those times, I need to give and show my best para lang makamit yung matamis na matamis na "OO".
There were indeed a lot of bumps along the road, which almost made me decide to backout. Lalo na yung sabi nilang "Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo." Eh kaso Dugong Ginebra to, so Never Say Die! Natambakan man ako, I made a great comeback. Kaya nung September 13, 2012, binigay na ni Lord yung pinakamagandang blessing na natanggap ko this year: yung MOO (Matamis na OO) ni MOO.
Kaya nga bukas, December 13, 2012, 3 months after that very SPECIAL DAY, gusto kong malaman nya kung gaano ako ka-blessed for having her in my life. Na lagi syang nandyan through my ups and downs. Yung pagiging understanding nya, caring, loving at kung ano2x pa na may "-ing". Gusto ko ding mag-sorry for those times na nag-aaway kame and if ever may shortcomings ako to her kung minsan. Pero to sum all up, I LOVE YOU MOO! At naniniwala akong madaming pang BLESSINGS na darating; hindi lang saken, kundi para sating dalawa. At if ever man mag-end nga ang mundo next week, super saya ko kasi isa ka sa mga BLESSINGS na natanggap ko habang nabubuhay ako. :)
- John Lloyd #13
0 comments:
Post a Comment